Sunshine Dizon at Yasmien Kurdi, parehas nang lumba-lumba

THROUGH BAM Salvani, our co-worker in GMA, ay nagsilbi siyang tulay para makontak kami ng mag-asawang Santiago via overseas call from Andorra (between Spain and France), two of the alleged victims of former singer-actress Kristina Paner.

Nakatatlong tawag na sa amin sina Mr. Jun at Mrs. Cecilia, as they wanted to air their side of the story tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak ni Daisy Romualdez.

The first call came in the other Tuesday, however, since we were in transit ay hindi kami magkarinigan. What was clear to us, there was no way they could appear on TV except on Skype.

Mas klaro ang mga detalyeng ibinigay ng mag-asawa tungkol sa naging transaksiyon nila with Tina sa ikalawa nilang tawag. Tina had been based in Barcelona, Spain for many years, kung saan ayon na rin sa mga lumabas na ulat ay nagtayo siya ng isang opisina that sold plane tickets.

According to the couple,  they allegedly bought plane tickets from Tina, at ang bayad ay idineposito nila sa kanyang account. Ayon kay Mr. Jun, there are about three separate groups so far which have been duped by Tina’s alleged MO (modus operandi).

Kinuha namin ang contact number ng mag-asawa, assuring them that a Startalk staff would iimediately get in touch with them for an inrerview on Skype.

The couple seemed excited with their third call last Saturday. They got wind that Tina is in town, paano raw nangyaring nakauwi ng bansa ang dating singer-actress?

Sa ngayon, we have yet to hear Tina’s side based on the Santiago couple’s accusations. Earlier when contacted, Tita Daisy begged off sa isasagawa sanang panayam ng Startalk sa kanya, instead she passed it on to (Kuya) Alfie Lorenzo, one of her best friends.

 

NAKAKAALIW ANG kuha ng mga kinuhang ninang ni Katrina Halili sa dedication ng anak nila ni Kris Lawrence nitong Biyernes.

One of the heartwarming shots had Sunshine Dizon and Yasmien Kurdi talking about their goddaughter. Kung bakit nakakaaliw ang footage na ‘yon had a lot to do with their bloated size.

Bagama’t nagbalik-TV na si Sunshine, mukhang matatagalan pa bago siya isalang sa isang regular TV assignment unless she loses considerable weight. As for Yasmien na baka may balak ding mag-comeback, she and Sunshine might as well do a “diet duet” to achieve their desired comeback figure.

 

WE EMPATHIZE with the other Sunshine, this time, Cruz sa kinakaharap niyang gulo sa isang showbiz upstart (na hindi naman kagandahan) na leading lady ni Cesar Montano sa ginagawa nitong pelikula.

Nauunawaan namin ang nararamdaman ni Sunshine na sukat pa manding ipinagbanduhan ng starlet na ‘yon ang mga ibinigay sa kanya ni Cesar on Instagram, such stuff na galing mismo sa totoong misis.

Sunshine’s battlecry: por delicadeza, kailangan pa bang ilabas ang mga item na ‘yon? But Cesar also has his share of responsibility, even if he’s not aware na maaaring gawin ‘yon ng kanyang katambal.

Whether such items were posted or not on social media, Cesar should also have the decency to cherish such gifts from a loving wife. Nasaan naman ang pagiging maginoo ni Cesar bilang isang may-asawang lalaki who’s giving away what’s given to him? To think that Cesar projects a chivalrous image in his movies.

Time was when their marriage was on the rocks, pero sa mga pahayag ni Sunshine sa Twitter ay mukhang nanganganib na sa pagkakataong ito ang kanilang pagsasama. Too bad for the kids na sila pa pala ang unang nakakita ng mga ipinost ng starlet na ‘yon proud of her indiscretions!

Kunsabagay, moral values are not sold anywhere.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Sunshine Dizon at Yasmien Kurdi, parehas nang lumba-lumba

  1. Nakita nyo ba yung mars episode kanina?! Ang payat na ni yasmien ang galing galing sinusundan ko sya sa instagram yasmien_kurdi …  Bagong panganak lang kasi si yasmien noong january… Si sunshine wala na talagang pag asa ang lalaki na ng mga anak nya. Si yasmien kurdi ang sexy na! 

  2. hindi na nila maibabalik ang dati nilang kinang sa showbiz kaya makuntento na lang sila bilang mga lumba-lumbang nanay hahaha!

  3. makakabalik pa rin sa aktingan yang sina Sunshine at Yasmien. pasado na sila sa mother roles which is ok lang naman

Leave a Reply

Your email address will not be published.