Sunshine Dizon at Timothy Tan, nananatiling responsable sa mga anak

SA kabila ng lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari sa pagitan ng aktres na si Sunshine Dizon at ng kanyang dating asawang si Timothy Tan, nanatili pa rin ang dalawa bilang mga responsableng magulang sa dalawa nilang supling.

Sa mga bagong Instagram postings ni Dizon, makikita kung gaano sila kasaya kasama ang kanilang mga anak sa mga event ng mga ito.

Congratulations Antonio were very proud of you ❤️ #movingupday

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Congratulations Doreen on your moving up day. We are all so very proud of you. ❤️ #doreenandanton

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Dahil dito takaw-pansin sa social media ang mga nasabing post ni Sunshine. Ilan sa kanyang followers ang nagpahayag ng pagsuporta sa muling pagkikita ng dating mag-asawa. 

“Pagsubok lang ang dumating sa inyo, ganiyan talaga, maging matatag lang parati mas okay pa ding magkakasama kayo at buo. God bless your family!” sey ni @keanjeh.

“Kinilig ako dito, kayo na lang ulit yey!” ani @kyle_ap2016.

Para naman kay [email protected] 2017, “Sana nga magbalikan na kayo para na din sa mga bata.” 

Matatandaang nagkaroon umano ng ibang karelasyon si Timothy kaya siya hiniwalayan ni Sunshine. Pero nitong nakaraang December, naglabas ng public apology si Timothy para sa aktres at sa kanilang mga anak.

Noong January 5, 2017, iniurong ng aktres ang mga kasong isinampa niya sa dating asawa at sa umano’y mistress nito na si Charisma Sison. Nag-file na lamang ng annulment case ang aktres. ‘Yun na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.