Sunshine Dizon’s showbiz comeback is not her priority

NASA PROSESO NA ng pagpapapayat ang award-winning actress na si Sunshine Dizon para na rin sa kanyang pagbabalik-showbiz. Pero ayon kay Sunshine, medyo matagal-tagal pa ang kanyang pagbabalik-telebisyon at pelikula, dahil gusto niyang alagaan muna ang kanyang baby girl na si Doreen Isabel.

Gusto raw kasi ni Sunshine na medyo malaki na si Doreen sa kanyang pagbabalik-showbiz at kahit nga raw may mga offers na siya to do a soap, hindi pa nito matanggap ni Sunshine dahil mas priority ngayon nito ang kanyang family. At kahit nga raw medyo nami-miss na niya ang pag-arte, handa niya muna itong isantabi para sa kanyang buhay may-asawa.

Tsika pa nito na wala pa silang balak sundan ni Tim ang kanilang baby Doreen, mas gusto raw muna nilang ma-enjoy ang kanilang first baby bago sundan ng isa pa. Gusto nga raw nina Sunshine at Tim na if ever na masusundan si Doreen ay baby boy naman.

 

FROM 20, ALMOST hundred na ang estudyante sa singing ng Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura, kung saan among hundreds ng kanyang estudyante ay dalawa na ang certified Canada Recording Artists. Ang una ay ang Vancouver Sweetheart na si Ethel Rose Amistad na ang kanyang carrier single na In Your Blue Eyes ay pumalo na sa 7,000 ang bumibili sa iTune in just three months at palaging pinatutugtog ang kanyang awitin sa radio sa buong Canada at maging sa Amerika, at by August ay magkakaroon ito ng Asian Tour na magsisimula sa Pilipinas.

Na sinundan ng Canada’s Little Girl With The Big Voice na si Geena Geneza na on-going din ang promotion ng kanyang 1st album at humahataw rin sa iTune ang kanyang carrier single na Embrace. At sa katatapos na The Pop Vocalistas Summer Jam Concert  last July 03 na ginanap sa Victoria Hall na nagsilbing recital ng halos isang daang estudyante ni Ramil under Ecclesiastes Entertainment ay may mangilan-ngilang potential to be the next recording artist o artista.

At sila ay sina Massimo at Maggen Falvo, Alisha Joy, Jerome at Joshua Uhunmwwangho, Samantha Alabanese, Christian Agngaray, Jessica Zraly, Jai at Josh Lino, Amber Marinez, Nicole Gutladera, Lauren Yalung, Amari at Trestan Sanchez, Jansen Wilmark, Tristan Godoy, Karl Abecendario, Bianca Greeco, Vincent at Jemima Calma, Jesse Pacania, Kristoff  Juan, Kayla Czajewski, Sharah Anderson, atbp.

 

HAPPY ANG TATLONG miyembro ng SexBomb Dancers na sina Louise, Sandy at Cheche dahil sa nakaraang eviction sa Showtime ay hindi sila nabura bilang mga hurado. Kaya naman gusto nilang magpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa SexBomb Girls.
Kaya naman sa mga loyal supporters ng SexBomb Dancers, kung gusto ninyong patuloy na makitang maging hurado ang SexBomb na sina Louise, Sandy at Cheche sa Showtime, at makita ang kanilang  sample na hataw moves  ay bumoto na tayo .

Pero tandaaan na ang inyong iboboto ay ang hurado na gusto ninyong matanggal o mapalitan. To vote, text BURADO <judge’s name> and send to 2331 for Globe, TM and Sun Cellular, and 231 for Smart and Talk N Text subscribers.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Sunshine Dizon’s showbiz comeback is not her priority

  1. mas gusto ko pa si Sunshine Dizon kesa kay Iza Calzado..Shine is a versatile actress, kahit ano kaya nya ehh nung ginawang bakla si IZA..waley na waley…

Leave a Reply

Your email address will not be published.