Sunshine Dizon’s baby Doreen Isabel received a car gift from grandma Dorthy worth P1.8 million!

BONGGANG-BONGGA ANG NEWLY-BORN baby girl ni Sunshine Dizon dahil sa regalong natanggap nito sa kanyang loving lola na si Doña Dorothy Dizon na isang brand new Toyota Super Grandia Hi-Ace na nagkakahalaga ng P1.8 million.

Naloka nga kami nang makarating sa amin ang nasabing balita dahil hindi talaga nagpatalbog ang kontrobersyal na lola pagdating sa pagreregalo sa kanyang apo.

Aliw na aliw nga kami habang kausap ang proud lola dahil damang-dama namin ang sobrang saya nito sa pagdating sa kanila ni Doreen Isabel. Tsika nga ni Tita Dorothy, gusto raw kasi nitong malaking sasakyan ang sasakyan ng kanyang apo everytime na may lakad ang kanilang pamilya para nakakahiga ito at kumportable, kaya ito ang kanyang iniregalo.

Umpisa pa lang daw ‘yan ng mga expensive gifts na bigay niya sa kanyang mahal na apo, dahil habang lumalaki raw ito ay mas mahal pang regalo ang ibibigay niya kay Doreen, katulad ng mga regalo nito noon kay Sunshine noong bata pa ito. Kabog!

NAKAUSAP NAMIN SA hallway ng GMA-7 ang ex-Survivor at comedienne na si Patani, at hindi nito naiwasang maiyak habang ikinukuwento ang totoong estado ng kanyang buhay. Nasulat namin last Monday dito sa Pinoy Parazzi, mula sa kanyang malapit na kaibigan na malapit na itong mapalayas sa kanyang inuupahang apartment kung hindi ito makababayad sa renta ng bahay dahil sa kawalan ng trabaho.

Ayon kay Patani habang lumuluha, totoo raw ang nasulat namin. Med-yo matagal-tagal na raw kasi siyang hindi nabibigyan ng regular show ng GMA-7, kaya naman daw hindi nito alam kung saan niya kukunin ang kanyang gastusin sa pang-araw-araw at sa pambayad na rin ng kanyang maliit na inuupahang bahay. Mabuti na lang daw at kinukuha pa siya ng News and Public Affairs para mag-guest sa kanilang shows. Kahit papaano ay nakaka-survive pa rin siya.

Sumasagi na nga raw sa kanyang isipan na iwan na lang ang showbiz, pero napamahal na daw siya rito. Kaya naman daw lumalaban pa rin siya at uma-asang mabibigyan muli ng regular show katulad ng dati, at walang balak iwan ang mundo ng pag-arte. Balak nga raw nitong lumipat ng ibang istasyon, baka raw kasi mas mabigyan siya ng magandang break sa ibang TV Network. Pero sa ngayon daw, medyo malabo pang mangayri dahil may kontrata pa siya sa GMA. ‘Yun na!

KATULAD NI CHARICE na pumalo ang awiting “Pyramid” sa top spot ng iTunes, hindi rin pahuhuli at umaakyat na rin sa top spot ang awitin ng Pinay-Canadian international singer na si Ethel Amistad na “In Your Blue Eyes” sa iTunes.

Happy nga ang Pinay-Canadian sa magandang response ng mga music lovers sa kanyang carrier single around the globe. Kaya naman daw part ng kanyang promotion sa kanyang self-titled album ang lumibot sa iba’t ibang bansa na magsisimula sa Amerika na susundan ng New Zealand, UK, Germany, Australia, Pilipinas, atbp.

On-going din ang inter-school dance contest nito sa Canada, ang “Do The Blue Eyes Dance Contest”, kung saan ang balita namin, ang mananalo ay magi-ging regular back-up dancers ni Ethel at makakasama sa kanyang MTV ng nasabing kanta.

MAGANDA ANG NAGING feedback ng mga manonood sa first guesting sa Maalaala Mo Kaya ng Olive C at Urban Edge image model at Gigger Boys member na si Benjamin De Guzman, along with Jessy Mendiola and Mark Gil.

Tsika nga ng isang nakapanood ng MMK na kasama si Benjamin, isa raw ito sa mga talent ng ABS-CBN Star Magic na nakakaarte at puwedeng-puwedeng maging leading man sa mga future projects ng ABS-CBN.

Mabigyan nga lang daw ng tamang break at proyekto ng Kapamilya Network, sisipa ang career paitaas ng guwapitong aktor. Bukod kasi sa galing nitong umarte, nakakakanta, nakakasayaw, nakakapag host at maganda ang height at rehistro nito sa boobtube.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.