Sunshine Cruz, rumampa sa FHM’s victory party

Sunshine Cruz

Sunshine Cruz

Minsan pang pinatunayan ni Sunshine Cruz ang kanyang pagiging Hot Momma nang rumampa siya sa FHM Philippines 100 Sexiest Victory Party na ginanap sa Valkyrie Super Club sa Bonifacio Global City, Taguig last Tuesday, July 27.
Bago ang event ay naka-chat namin si Sunshine Cruz at dito’y sinabi niyang magkakaroon siya ng dance number sa FHM party.

“Opening number po ako sa FHM sa July 26, hahaha!” Saad sa amin ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “It’s my first time to attend this event and I’m nervous but excited at the same time po. I hope I can lose weight that I gained from eating and not exercising due to taping sched po.

“Bale, opening dance prod po ito. Yahoo! Hahaha!”

Sinabi rin ni Sunshine na siya ang kauna-unahang Filipina na naging cover ng FHM Philippines. “I was the first Pinay FHM cover noong 2000. Then noong nag-comeback ako ng 2013, I did it again po.”

Sakaling may offer na maging cover siya ulit ng FHM, papayag ba siya?

Sagot ng maganda at seksing aktres, “Hard to say po. For now I haven’t thought of it.”

Narito naman ang FB post ni Sunshine bago at pagkatapos ng event:

“Last night’s stage rehearsal for tonight’s FHM event. First time to attend an FHM event. I’m excited

“So nervous but had so much fun. Thank you FHM! ”

Sa ngayon, abala si Sunshine sa kanyang muling pag-aaral at sa top-rating TV series nilang “Dolce Amore” na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS-CBN.

Samantala, ang highlight ng FHM party ay ang pagbibigay-parangal kay Jessy Mendiola bilang FHM Philippines’ Sexiest Woman 2016 at ang pagkilala kay Marian Rivera bilang unang FHM’s Hall of Famer.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.