Sunshine Cruz, kinumpiramang hiwalay na sila ni Cesar Montano!

KINUMPIRMA NA raw si Sunshine Cruz sa nakaraang Star Awards for Movies na tuluyan na silang naghiwalay ni Cesar Montano.

Lumipat na raw ito ng tirahan kasama ang mga anak niya. Kaya mukhang desidido na nga ito.

Sabi raw nito sa mga reporters na humarang sa kanya sa red carpet pagdating nito, matagal din daw niyang ginawan ng paraan na maayos pero mukhang malabo na raw talaga. Kaya sisikapin daw niyang kayanin ito. Sabi nga raw niya, hindi naman daw ibibigay sa kanya ng Diyos kung hindi niya kakayanin.

Mabuti at naintindihan naman daw ng mga anak nila ang pinagdaraanan nila ngayon kaya medyo nakagaaan ito sa kanila.

So far, hindi pa raw nila napag-uusapan ni Cesar kung ano ang set-up sa mga bata. Pero hindi naman daw niya ipagkakait ang mga anak niya kay Cesar.

Tahimik na si Cesar tungkol dito, dahil ang alam ko inaayos pa rin niyang magkabalikan sila ni Sunshine. Tingnan na lang natin!

Mas gusto na lang daw mag-focus ngayon ni Sunshine sa mga anak nila at sa trabaho.

Gusto na raw niya bumalik sa trabaho kaya nabigyan naman ito agad ng drama series sa ABS-CBN 2.

 

NAGPALIWANAG NA si Alessandra de Rossi sa Hot TV nu’ng nakaraang Linggo tungkol sa ikinagalit sa kanya ng mga fans ni Marian Rivera.

Kasi nu’ng nanalo si Marian sa Golden Screen Awards, ginamit ang interview kay Alessandra na may sinabi siyang parang pinatatamaan ang pagkapanalo ni Marian.

Sabi naman ni Alex, wala raw siyang pinatatamaan sa mga sinabi niyang ‘yun dahil na-interview daw siya nu’ng pagdating niya ng awards night na hindi pa niya alam kung sino ang nanalo.

Parang may sinabi yata siya tungkol sa mga first time winner na tamang-tama namang si Marian ang winner nu’ng gabing ‘yun na first time pa lang niyang nanalo ng acting award.

Akala ng mga fans ni Marian, ang aktres ang pinatatamaan ni Alex. Nawala naman daw sa isip ni Alex na ieere ang interbyung ‘yun pagkatapos ng awards night. Kaya ang buong akala ng lahat, sinabi niya ‘yun pagkatapos ng awarding. Isa kasi si Alessandra sa natalo ni Marian, kaya baka raw nagpatutsada na ito.

Pero tahimik na rin naman ngayon ang mga Marianatics at wala naman ito kay Marian, kaya tapos na ang isyu.

Pero ang natutunan daw rito ni Alessandra, hindi na siya magpapaliwanag sa mga VTR interview. Mas mabu-ting sabihin daw niya nang live para hindi siya ma-misquote at walang ma-edit sa mga sinabi niya.

Muntik na nga raw magkita sina Marian at Alessandra sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo. Pero ang alam ko, wala naman ‘yun kay Marian at okay naman sila ni Alessandra.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Sunshine Cruz, kinumpiramang hiwalay na sila ni Cesar Montano!

Leave a Reply

Your email address will not be published.