Sunshine Cruz, Ignores Bangs Garcia!

MEDYO MAAGA PA para pag-usapan ang pagbabalik-teleserye ni Kris Aquino sa primetime ng ABS-CBN, kaya naman pinagbawalan siya ng  kanyang business manager at isa sa mga business unit head ng network na may hawak ng panibagong programa nito na si Deo Endrinal.

Ang alam namin, bandang July pa uumpisahan ang taping ng nasabing teleserye ni Tetay. Wala pa rin naman kaming naririnig na mga pangalan ng ibang mga artista na makakasama ng TV host-actress. Ang sigurado pa lang ay si Chito Roño ang magdidirek nito.

Pero bago mag-umpisang gumiling ang mga kamera, nakatakda muna raw magbakasyon sa London at Paris ang premyadong direktor kasama ang kanyang kaibigang si Bernard Cloma this summer.
IS IT TRUE na dinedma umano ni Sunshine Cruz ang sexy actress na si Bangs Garcia nang minsang magkasama sila sa isang glossy magazine pictorial?

May naamoy nga bang hindi maganda si Shine (palayaw ni Sunshine) nang magkasama noon sa teleseryeng Palos ang kanyang mister na si Cesar Montano at Bangs, kaya parang ‘di n’ya bet ang sexy actress?

Tila ilang raw si Bangs habang kinukunan silang magkatabi ng maganda at sexy pa ring misis ni Buboy (palayaw naman ni Cesar), ayon sa aming mga source. Pero binati pa rin daw ni Bangs si Sunshine.

SA PAKIKIPAGBATI NI Sarah Geronimo kay Cristine Reyes, kinumusta namin si Mommy Divine kung ano ang kanyang nararamdaman nang makausap namin s’ya sandali sa after party ng Catch Me… I’m in Love premiere night two Tuesdays ago. “Wala naman kaming magagawa kung ‘yon ang gusto n’ya (Sarah). Hindi naman namin siya p’wedeng pigilan, eh.”

At kahit nag-apologize na rin daw sa kanila si Cristine, masakit pa rin daw para sa kanila ang nangyari.
SA LAUNCH NG Miss World Philippines 2011 nung isang gabi sa SMDC grand showroom sa SM Mall of Asia complex, inamin ng licensee nitong si Cory Quirino na tinangka niya raw makipag-usap o makipag-kape sana kay Stella Araneta, Binibining Pilipinas president, matapos i-award sa kanya ang license ng prestigious beauty pageant ni Julia Morley, chairman and CEO of Miss World Limited, nung late January.

Tumawag daw ang beauty and wellness guru noon sa opisina ng Binibining Pilipinas para humingi ng appointment with Stella since magkaibigan din naman daw sila, subalit hindi raw siya umano nakatanggap ng tawag mula noon hanggang ngayon.

Kahit may radio program si Cory sa DZMM tuwing Linggo ng umaga, sinigurado niya muna raw sa kanyang boss sa radio arm ng ABS-CBN na walang magiging conflict kung GMA-7 ang napili nila na maging TV network partner at magpapalabas ng  beauty contest on July 30 this year na may pa-premyong P1-M at brand-new condominium courtesy of SMDC!

Tiwala raw si Cory sa Kapuso Network, dahil experienced and more than a decade na raw kasi itong nagpo-produce o nagpapalabas ng beauty pageant, kaya ito raw talaga ang una niyang choice.

Namataan namin sa event ang former beauty queens na sina Maria Isabel Lopez at Maggie Wilson. Hindi nakarating ang 1993 Miss World Second Princess na si Ruffa Gutierrez, dahil sa kanyang Mga Nagbabagag Bulaklak taping, kaya naman si Tita Annabelle Rama ang nandoon.

Dumating din ang GMA-7 Senior Vice President for Entertainment na si Ms. Wilma Galvante, pero hindi sila nagkita ni Tita Annabelle. Nang magsalita ito sa stage, nag-walkout na agad ang beauty ni Tita Annabelle!

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

One thought on “Sunshine Cruz, Ignores Bangs Garcia!

  1. wala bang sariling mga ginagawa tong nanay at tatay ni sarah lahat ata ng panahon nasa tabi ni sarah pati talaga tatay nia huh,walng magawa sa buhay,mgtau na lang kau ng negosyo para my pgkaabalahan kau keysa sama ng sama ke sarah,halata tuloy na wala kaung mga sariling pera puro ke sarah galing,ewww,

Leave a Reply

Your email address will not be published.