Sunshine Cruz, ‘di pa rin handang maging kaibigan si Cesar Montano

Cesar-Montano-Sunshine-CruzNGAYONG IPINAGKALOOB na ng Quezon City Regional trial Court ang full custody ng mga anak kay Sunshine Cruz, masasabing napakaganda ng pasok ng 2014 para sa nagbalik-showbiz na aktres.

Bukod sa maganda ang tinatakbo ng career, hetot’ nabigyang katuparan ang hiling ni Sunshine na makuha ang buong kustodiya ng mga anak nila ni Cesar Montano. January 16 nang ibaba nang husagado ang naging hatol at kaharap ang asawa nang basahin ang desisyon ng korte.

Ayon kay Sunshine, ang mga anak ang mismong kumausap sa judge at nagsabing gusto nilang sumama sa kanya. Binigyan naman ng visitation rights si Cesar, kung saan bukod sa puwede niyang dalawin ang mga anak ay puwede rin nitong ipasyal ang mga ito.

‘Di tinago ni Sunshine na hindi pa siya handa, hindi pa sila handa ni Cesar para maging magkaibigan. Ang gusto niya ay dumating ang panahon na maging civil sila ng dating asawa sa isa’t isa, lalo’t pareho naman nilang mahal ang mga anak.

Maiba Lang

By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Sunshine Cruz, ‘di pa rin handang maging kaibigan si Cesar Montano

Leave a Reply

Your email address will not be published.