Sunshine Cruz at Cesar Montano, bawal maghiwalay – Chit Ramos

MAGKASABAY DUMATING dumating sa presscon ng Mega Sardines sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Nangangahulugang nagtagumpay rin si mister sa panliligaw uli kay misis para mabuong muli ang kanilang masayang pamilya. Earlier, napagkikita na si misis na dumalaw sa Singing Bee show ni mister. Malaki kung ganu’n ang naging papel ng Mega Sardines (MS) dahil bawal pala sa kontrata nila na magkahiwalay. Parang sina Pops Fernandez at Martin Nievera noon, di ba?

Actually, kahina-hinayang naman talaga kung hindi nila aayusin ang kanilang buhay. May mga negosyo din silang naipundar, tulad ng venue ng presscon, ang Belissimo sa Tomas Morato. Naging bida rin doon ang MS dahil isa sa mga specialty na pinagkaguluhan ng mga dumalo ay ang spaghetti na ginamitan ng MS. Hindi rin napigil ang iba na tikman ang paksiw sardine na tiyak na papatok na pang-araw-araw na ulam.

Sumarap din ang kuwentuhan at napag-usapan ang project ni Cesar tungkol sa buhay ng ating bayani, si Ninoy Aquino. Noon pa nga namang hindi pa alam ng bayan na may colon cancer pala si tita Cory, eh, sinimulan na ang negotiation para rito. Nabanggit ni Cesar ang mga pangalan nina Maricel Soriano, Claudine Barretto at Kris Aquino mismo para gumanap sa role ng kanyang dakilang ina.

SINA DR. MANNY at Pie Calayan naman ang nababalitang hiwalay  na ngayon. Wala na naman kasi si misis sa launching nina Alfred Vargas at Sunshine Dizon bilang bagong Calayan endorsers na ginanap noong Huwebes sa Anabel’s.

Wala din si Dra. Pie noong birthday ni Dr. Manny. Ganu’n din sa debut ng kanyang anak, pati launching ng kanyang album. Lagi naman silang inseparable noon.

Hindi kinagat ang depensa niyang nasa ibang bansa si misis dahil nagkaroon ng adrenal syndrome, whatever that means. Hormonal daw iyon at matagal-tagal ang gamutan. Hihintayin daw nila ang pagbabalik ni Dra. Pie at ang paliwanag nito para maging kapani-paniwala ang katwiran na puwede ring alibi lang.

Buti nalang at sumulpot bigla ang latest tungkol kay Selina Sevilla na ginamot pala ni Dr. Calayan at naligtas sa tiyak na pagkamatay. Si Selina ang na-scoop ng Pinoy Parazzi na nabulok ang puwet dahil sa silicone oil injection ng isang pekeng doctor. Hindi kataka-taka kung bakit iyak nang iyak ang sexy singer sa himalang naganap dahil akala niya ay maghihintay na lang siya ng takdang panahon para iwan ang kanyang mga anak at pamilya. Sa loob ng sampung mahahabang taon ay hindi siya nakapagtrabaho dahil sa pananakit ng puwet na nag-u-umpisa ng umikot sa buo niyang katawan. Napakamahal ng gagastusin niya dahil hindi iisang operation lamang ang diagnosis ng mga doctor na kinunsulta niya. Pero, isang hindi inaasahang Dr. Manny pala ang lalapit sa kanya para solusyunan ang kanyang problema.

“Kulang pa ang buong buhay ko ngayon para pagsilbihan siya, kung tutuusin. Pero, wala siyang sinisingil kahit isang kusing. Naawa raw siya sa akin at sa mga anak ko, “ pagtatapat niya.

BULL Chit! by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Sunshine Cruz at Cesar Montano, bawal maghiwalay – Chit Ramos

  1. manny and pie are still own. di lang naglalantad sa media si pie since yung mukha niya eh nasira na dahil sa sobrang retoke.

Leave a Reply

Your email address will not be published.