SunPIOLOgy Run back-to-back sa Star Magic Gives Back Concert

1. Naglulumikot ba ang isip ni Piolo Pascual sa eksenang ito… o kami lang ang sadyang malikot ang pag-iisip? Ang berde naman… ng iniisip namin. Hehehe!

Picture 1 of 6

Text by Dani Flores

Photos by Ricky Agapito

 

SunPIOLOgy Run 2012

& Star Magic Gives Back Concert Presscon

Komrad Mao’s Hunan & Sichuan Restaurant

Tomas Morato Ave., Quezon City

October 8, 2012

 

MATAPOS ANG tagumpay ng Star Magic Gives Back Concert noong November 2011, magkakaroon ito ng repeat ka-partner ang SunPIOLOgy Run ng Sunlife Financial.

Sa nasabing concert noong nakaraang taon sa pasimuno ni Piolo Pascual, kung saan nagsama-sama ang malalaking bituin ng Star Magic, nakalikom sila ng mahigit kalahating milyong piso na ibinahagi sa iba’t ibang charity kabilang ang Sagip Kapamilya, Elsie Gaches Village, Reception and Study Center for Children (RSCC),  Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines, at Sanctuary Center.

Sa magaganap na fund raising event sa November 24, magkatuwang na magbibigay-tulong ang Sun Life Financial Philippines at Star Magic, hindi lang sa ABS-CBN’s Lingkod Kapamilya, RSCC at Sanctuary Center, kundi maging sa Hebreo Foundation ni Piolo.

Magsisimula ang event sa pamamagitan ng SunPIOLOgy Run 2012 na pangungunahan ni Piolo sa Venice Piazza Mall, Mc Kinley Hill at magtatapos sa pamamagitan ng Star Magic Gives Back Concert. Kabilang sa makikisaya sa concert sina Pokwang, John “Sweet” Lapus, Sam Milby, Khalil Ramos, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, JM De Guzman, Alex Castro, Bryan Termulo, Myrtle Sarrosa, Robi Domingo, Sam Concepcion, Drei Felix, Megan Young, Jolo Estrada, Bangs Garcia, Empress, Paulo Avelino, Jason Abalos, Young JV, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Nyoy Volante, Jed Madela, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Xian Lim, Enchong Dee, Maja Salvador at Piolo Pascual.

Para sa registration at iba pang detalye, bumisita sa www.sunpiology.com at sunpiologyrun sa facebook. I-follow rin ang official twitter/ facebook account ng Star Magic: starrmagicphils para sa mga update.

 

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “SunPIOLOgy Run back-to-back sa Star Magic Gives Back Concert

  1. Hey there! I’m at work browsing your blog from my new apple iphone! Just wanted to say I love reading through your blog and look forward to all your posts! Carry on the fantastic work!

Leave a Reply

Your email address will not be published.