Sunog sa Pasay; 3 Bata, Patay

PATULOY ANG ginagawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring sunog sa lungsod ng Pasay kahapon.

Ayon sa ulat, tatlo ang kumpirmadong namatay at pawang mga menor de edad ang mga biktima.

Bukod sa mga nasawi, may ilan ding sugatan sa nangyaring insidente na dinala sa iba’t ibang pagamutan.

Nabatid na aabot naman sa halos 100 kabahayan ang natupok na pawang gawa sa light materials.

Sinasabing nagmula ang apoy sa sinindihang kandila na napabayaan dahil wala umanong supply ng kuryente sa nasabing lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.