Sunog sa Ever Gotesco Grand Central, iimbestigahan na

SISIMULAN NA ng mga tauhan ng Department of Interior and Local Government Inter-Agency Task Force ang pag-iimbestiga sa pagkasunog ng Ever Gotesco Grand Central matapos ideklarang fire out sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ayon kay Senior Supt., Fenimore Jaudian, imbestigador ng DILG-IATF, sisimulan na ngayong araw ang imbestigasyon matapos ideklarang fire out na ang sunog dakong alas-7:45 ng umaga.

Kasama sa aalamin kung sinadya ba ang sunog na nagsimula sa outlet ng Rusty Lopez sa first floor ng nasabing mall sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod Biyernes ng gabi, dakong alas-10:30.

Aalamin din ang napa-balitang hindi pinayagan ng mga sekyu ang ilang bumbero na makapasok sa mall upang patayin ang apoy.

Naiinis naman ang mga tenant, lalo na ang mga cellphone stalls na hindi pa sila pinapayagang makapasok upang makuha ang kanilang mga paninda.

Tatagal ng 45 araw bago maglalabas ng report ang mga taga-DILG kung sinadya nga bang sunugin ang naturang mall.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng ocular inspection si Caloocan City Mayor Recom Echiverri sa loob ng mall nang ideklarang fire out.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sunog sa Ever Gotesco Grand Central, iimbestigahan na

  1. siguradong maraming na nakaw ang mga bumbero. jackpot sila malaki ang Ever Gotesco daming items na ninakaw nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.