Sunog sa Campo Crame: P500-K Halaga ng Pinsala

SA INISYAL na imbestigasyon, aabot sa P500,000 ang halaga ng danyos ng sunog sa Headquarters Support Service Base Police Section ng Camp Crame bago magtanghali kahapon.

Tinupok umano ng apoy ang room 206, sa ikalawang palapag na naging dahilan ng sunog, ayon kay Fire Investigator SFO2 Fortunato Aldo ng Quezon City Fire Station.

Alas-10:48 ng umaga kahapon nang magsimula ang sunog at tumagal ng alas-11:29 bago ito naa-pula na umabot sa second alarm.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Nicanor Bartolome, kumpirmadong isang typical barracks  ang tinupok ng apoy na may 12 enlisted personnel ng PNP ang occupants. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.