Sunog sa araw ng palaspas

NAABO ANG isang 5-door apartment sa Barangay Maharlika, Quezon City noong Linggo habang ginugunita ang Palm Sunday.

Sa ulat, sumiklab ang apoy sa nasabing apartment sa Mayon Street alas-8:21 ng umaga.

Tumagal din ng mahigit isang oras ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Ayon kay Quezon City District 1 Fire Station Commander Chief Inspector Arnold Ulanday, nagmula sa ikatlong palapag sa dulong bahagi ng nasabing apartment ang apoy.

Kinumpiska na rin ang mga nakuhang galun-galong kemikal sa paggawa ng sabon na nagmula sa pinangyarihan ng sunog.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente at inaalam na ang halaga ng naging pinsala nito.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.