Sundalong Sangkot sa Quezon Shootout, ‘Di Agad Sisibakin

HINDI SUSUNOD ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginawang pagsibak ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan na nasangkot sa Atimonan Quezon encounter na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Army, hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng fact-finding body na binuo ng Army Southern Luzon Command upang alamin ang liabilities ng mga sundalong sangkot kaya walang utos na sibakin ang mga ito sa kanilang puwesto kahit pa itinuro ang mga sundalo na unang nagpaputok sa naganap na shootout kung saan namatay si Vic Siman, umano’y Jueteng king, tatlong pulis kabilang ang isang opisyal at dalawang sundalo ng Philippine Air Force.

Ayon kay PA Commanding General Lt. Gen. Emmanuel Bautista, nagsasagawa na ng sariling fact finding ang SOLCOM dahil nasa  ilalim ng kani-lang pangangasiwa ang 25  tauhan ng Special Forces Battalion na nasangkot sa nasabing shooutout su-balit ang National Bureau of Investigation  (NBI) ang naatasang lead investi-gators.

Tumanggi  namang kumpirmahin ni Bautista kung may nilabag ang mga sundalo sa rules of engagement.

Napaulat din na may may bitbit na 12 kilo ng ginto at 24 na diamond na tinatayang nagkakahalaga ng P100 milyon ang grupo ng mga napatay na sina Victorino “Vic Siman” Atienza at Supt. Alfredo Consemino na galing sa Panganiban, Camarines Sur.

Samantala, magugunitang kaya nauwi sa shootout ang insidente ay sinabi ng mga pulis na grupo ng gun-for-hire ang grupo ni Siman at Consemino na hindi nagpasiyasat sa checkpoint at sa halip ay nagpaputok umano ang mga ito.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.