Sundalo, Todas sa Kidlat

PATAY ANG isang sundalo matapos itong tamaan ng kidlat sa Mt. Huraw Relay Station, Poblacion 2, San Jose de Buan, Samar.

Base sa ompormasyon mula kay Capt. Amado Gutierrez, tagapagsalita ng 8th Infantry Division, PA, kinilala ang nasabing  biktima na si Cpl. Oliver Madronero, isang detachment commander at naka-aasign sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na katatapos lang kumain ni Madronero at patungo na sana ito sa kanilang barracks nang biglang tamaan ng kidlat ang antenna ng relay station at tumalsik sa kanya dahilan upang mawalan ito ng malay.

Samantala, agad namang humingi ng medical evacuation ang mga kasamahan ng nasabing sundalo ngunit binawian na ito ng buhay bago pa man dumating ang helicopter na magdadala sana sa kanya sa pagamutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.