Sundalo todas sa engkwentro

RIZAL – PATAY ANG isang sundalo matapos na maka-engkuwentro ang isang grupo ng rebeldeng New People’s Army sa kabundukan ng Rodriguez kahapon ng umaga.

Kinilala ni Rodriguez chief of Police P/Supt. Rommel Estolano ang nasawi na si PFC Rene Lacquio, miyembro ng Charlie Company ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Lopez, Quezon.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga kahapon sa Sitio Balagbag, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng patrolya ang grupo ng Charlie Company sa pamumuno ni 2Lt. Rayli Sayonyan nang masabat ang hindi pa mabatid na dami ng rebelde.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo at nagkahabulan, kung saan ay sinamang-palad na tamaan ng bala si PFC Lacquio at halos matadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nagawang isugod sa Infirmary Hospital sa Kasiglahan Village sa Brgy. San Jose ang nasabing sundalo subalit idineklarang dead on arrival.

Agad namang nagsagawa ng checkpoint ang Rodriguez Police para sa posibleng takbuhan ng mga tumakas na rebelde.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.