Sundalo, todas sa binatilyo

PATAY ANG ISANG sundalo matapos na barilin ng isang 15-anyos na lalaki habang nagbabantay sa loob ng kani-lang tindahan kamakalawa sa Lanao del Sur.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Private Benjie Sumayang, 19-anyos, miyembro ng Alpha Company, 65th Infantry Battalion ng the Philippine Army.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang salarin na si Hamnal Hadji Saheed Dolomabao, 15, binata at residente ng Barangay Tatayawan, Tamparan, Lanao del Sur na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng tindahan ng biktima.

Nagbabantay umano ang sundalo ng kanilang tindahan nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ito nang dalawang beses sa tiyan.

Isinugod ang biktima sa Tamparan District Hospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang-linaw ang insidente.           (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.