Sundalo, Tigok sa Landmine

NALASOG ANG katawan ng isang sundalo matapos masabugan ng landmine na pinaghininalaang itinanim ng New People’s Army (NPA) sa Purok Narra, Paquibato District, Davao City.

Inihayag ni Maj. Rose Manuel, Deputy Commander ng Civil Military Operations Battalion ng 10th Infantry Division na nagsagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng 69th IB sa naturang lugar ng pasabugan ng landmine ng NPA.

Nagawa pa umano ng mga sundalo na makaganti ng putok kaya naganap ang ilang minutong sagupaan hanggang sa tumakas ang mga rebelde.

Nilinaw naman ni Manuel na regular na ginagawa ng mga sundalo ang security patrol sa naturang lugar bilang bahagi ng pagpa-

patupad ng peace and development outreach program ng pamahalaan.

Samantala, nagkagulo rin ang mga estudyante sa Paquibatio Elementary School nang marinig ang pagsabog at mga putok ng baril.

Kaagad na sinundo ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paaralan sa takot na madamay sa engkuwentro.

(EUNICE CALMA)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.