Sundalo, Sugatan sa Pagsabog sa ComVal

SUGATAN ANG isang sundalong Army nang sumabog ang itinanim na landmine ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa may bahagi ng Tagum-Mawab road network, Brgy. Magdum, Tagum City noong Sabado.

Ayon kay 10th Infantry Division spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza, patungo sana ang mga sundalo sa pamumuno ni 1Lt. Nabora para bumili ng mga materyales na gagamitin sa rehabilitasyon ng New Bataan nang sumabog ang landmine.

Sinabi ni Paniza na ang naturang aksyon ng NPA ay siyang nagpapatagal sa rehabilitasyon ng lugar kung saan matin-

ding nasalanta ng bagyong Pablo.

Samantala, tiniyak ng militar na magpapatuloy pa rin sila sa pagtulong para sa agarang pag-recover ng New Bataan sa pakikipagtulungan ng mga Comvalenyos.

Sa ngayon, ginagamot na sa Tagum City Hospital ang sundalo na nasaugatan sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.