Sundalo, Patay sa Pakikipagbarilan sa mga Pulis

PATAY ANG tauhan ng Philippine Army habang nadakip ang kasama nang makipagbarilan sa mga rumespondeng mga pulis kung saan isa pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Pvt. April Joe Palad, 24, ng Old Fishport, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital si Serafin Sanglay, 36 ng nasabing lugar.

Iniimbestigahan naman si Pvt. Sammy Rudio, 22, ng Aroroy, Masbate City.

Base sa ulat, alas-4 ng hapon, binisita ni Rudio si Palad at nag-inuman hanggang sa hiramin ng nasawi ang baril ng una bago ipinutok ng dalawang beses.

May tumawag sa mga pulis at nang respondehan ay biglang umakyat ng bubong ang mga suspek sabay pinutukan ang mga pulis hanggang sa minalas na tamaan si Sanglay.

Gumanti ang mga pulis hanggang sa sumuko si Rudio na naging dahilan upang dalhin sa presinto at dalhin si Sanglay sa TGH.

Nakita naman ng mga kaanak si Palad na duguan na naging dahilan upang dalhin sa TGH.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.