Sundalo, Patay sa Landmine

ISANG SUNDALO ang nasawi habang tatlo pang kasama nito ang sugatan nang masabugan ng landmine na hinihinalang itinanim ng mga rebelde sa Montevista, Compostela Valley kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Cpl. Rey Arroyo habang sugatan sina Cpl Edwin Linda, PFC Mark Ballaran, at PFC Emerson Baranco.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Brgy. San Vicente sa bayan ng Montevista.

Nabatid na matapos ang pagsabog, pinaputukan pa ng mga hinihinalang rebelde ang mga sundalo bago nagsitakas.

Patuloy ang pursuit operations ng mga awtoridad laban sa mga rebelde.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.