Sundalo, Patay sa Engkwentro

PATAY ANG isang sundalo nang makipagbakbakan sa mga rebelde sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Aguinaldo, alas-5:50 ng umaga nang sumiklab ang labanan sa Brgy. Macalabe.

Nakilala ang sundalong namatay na si S/Sgt. Nomercindo Babanto na kabilang sa Alpha Company ng 26th Infantry Battalion, Philippine Army.

Ayon kay Major Eugene Osias, tagapagsalita ng 4th Infantry “Diamond” Division ng Philippine Army, naganap ang sagupaan nang respondehan ng mga sundalo sa pangunguna ni Col. Albano ang report ng mga sibilyan.

Ito ay kaugnay sa sightings umano ng mga rebelde na sinasabing nangingikil sa mga sibilyan upang ibigay sa mga biktima ng baha bunsod ng bagyong Sendong.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.