Sundalo, patay sa ambus ng rebelde sa Albay

DEAD ON THE spot ang isang  sundalo habang masuwerteng nakaligtas ang dalawang kasama nito sa pananambang ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Camalig, Albay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, kinilala ang nasawi na si Cpl. Ricardo Nariot Y Agripa habang masu-werteng nakaligtas sina Pfc. Sarol at Pfc. Gealone.

Naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon noong Miyerkules sa Brgy. Maninila, sa bayan ng Camalig.

Ayon kay Police Regional Office V spokesperson Pol. Supt. Atty. Wilson Asueta, lulan ng motorsiklo ang tatlo nang biglang harangin ng mga rebelde habang napuruhan sa ulo si Agripa.

Sinasabing inagaw ng mga rebelde sa mga sundalo ang mga armas nito na M16 rifle.           (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.