Sundalo, patay sa Abu Sayaff

PATAY ANG ISANG sundalo nang makasagupa ng kanilang tropa ang mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayaff sa Albarka, Basilan.

Tumanggi naman si AFP-Western Mindanao Command Spokesman, Lt. Col. Randolph Cabangbang na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasawing sundalo habang hindi pa ito naipaaalam sa pamilya.

Sinabi ni Cabangbang na nagpapatrolya ang mga sundalo nang matiyempuhan ang mga bandido. Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago tumakas ang mga Abu Sayaff members.

Patuloy ang follow-up operations ng mga awtoridad laban sa mga bandido.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.