Sundalo, Patay; 2 Sugatan sa Engkwentro sa Samar

PATAY ANG isang sundalo samantalang maayos na ang kondisyon ng dalawang iba pa na nasugatan sa nangyaring engkwentro laban sa tinatayang nasa 15 New People’s Army (NPA) sa Brgy. Baes, sa Motiong, Samar.

Sinabi ni Capt. Lemuel Baduya, 801st Brigade spokesperson na magsasagawa umano ng peace and development activities ang 87th Infantry Batallion (87th IB) ng 801st Infantry Brigade (801st IB), nang maka-engkwentro ng mga ito ang mga NPA.

Samantala, hindi pa matukoy ng mga kasundaluhan kung may mga nasugatan o napatay sa kampo ng mga NPA.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.