Sundalo, nanapak ng estudyante

DAVAO CITY – ISINAILALIM sa imbestigasyon ang isang sundalo na nanapak umano ng estudyante habang nasa ROTC formation sa University of Mindanao-Tagum City.

Kinilala ang inirereklamo na si Corporal Jeffry Lumutas, miyembro ng 68th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Batay sa reklamo ng hindi na pinangalanang estudyanteng biktima, nagalit umano ang sundalo sa kanya nang hindi niya sinunod ang utos nitong dumapa sa ROTC formation sa kanilang eskwelahan. Dahil dito, sinuntok umano ang biktima kasama ng isa pang suspek na si Rey Guida.

Hindi naman nila palalampasin ang naturang pangyayari at sinisigurong papatawan ng karampatang parusa ang nasabing sundalo sa oras na mapapatunayang nagkasala talaga ito, ayon kay Lt. Col. Lyndon Panisa, spokesperson ng 10th ID Philippine Army at commandant ng Tagum City. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.