Sundalo, Nabaril ng Magsasaka

PATULOY NA inoobserbahan sa Gov. Roque Ablan, Sr. Memorial Hospital ang isang kasapi ng militar matapos aksidenteng mabaril ng isang magsasaka na kamag-anak din ng naturang biktima.

Nakilala ang biktima na si Pfc. Emil Maneja, 24, samantalang ang salarin ay si Zaldy Pudiket, 40, kapwa residente ng Brgy. Parado, Dingras, Ilocos Norte.

Base sa pagsisiyasat ng PNP Dingras sa pamumuno ni Insp. Julius Basalio, deputy chief of police ng bayan ng Dingras, bago ang insidente ay nag-inuman ang biktima at ang suspek kasama ang ilang kapit-bahay sa mismong bahay nina Pudiket.

Habang nag-iinuman ay hiniram ni Maneja ang baril ni Pudiket na kalibre . 45 at pinaputok ng ilang beses matapos ay ibinalik kay Pudiket sa paniniwalang naubos na ang bala ng baril.

Matapos maibalik sa may-ari ay pinaputok din ni Pudiket subalit tinamaan ng bala ng baril si Maneja sa kanyang dibdib.

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.