Sundalo, Kulong sa Panghahalay sa 10-Anyos na Anak

NAKAKULONG NGAYON ang isang sarhento ng army reservist makaraang sirain nito ang kinabukasan ng kanyang 10-anyos na anak sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang suspek na nasa rehas na bakal ng piitan ay si Romy Watin, 36, may-asawa, tubong-Cotobato at kasalukuyang naninirahan sa # 1916 BonBon St., Ugong, Valenzuela.

Samantala, ang biktima ng rape ay isang “Maribet” (hindi tunay na pangalan), 10, mag-aaral ng Silvestre Lazaro Elementary school at residente ng nabanggit na tirahan.

Base sa ulat ng PO1 Joan D. Hulguin ng Valenzuela Women’s and Children’s Protection Desk at may hawak ng kaso, bandang alas-11 ng gabi nang maganap ang panghahalay ng suspek sa kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Nabatid na ang nasabing insidente ay naganap habang ang asawa ng suspek ay kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa at sa sobrang init ng pagnanasa ay nagawa nitong pagparausan ang kanyang menor de edad na anak.

Sa naging salaysay ng biktima sa pulisya, habang siya ay natutulog ay nagising siya habang isa-isang inaalis umano ng kanyang ama ang saplot niya sa katawan.

Sinabi pa ng biktima, nang ganap na mahubaran siya ng kanyang ama ay sapilitang namang ipinasok nito ang kanyang ari sa maselang parte ng kanyang katawan.

Ang naganap sa biktima ay agad sinabi nito sa kanyang lola na si Meria Pajarillo na maagap namang nagsadya sa himpilan ng nasabing himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.

Kaagad namang inaresto ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to RA 7610.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.