Sundalo binoga; 2 anak, pamangkin, sugatan

MALAGIM ANG PANANAM-BANG sa isang  sundalo habang sugatan naman ang dalawang paslit na anak nito at pamangking lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa Paquibato District, Davao City kahapon ng umaga.

Kinilala ni AFP-Eastern Mindanao Command Spokesman Col. Leopoldo Galon ang biktima na si Cpl Wenie Carampatana , kasapi ng Army’s 10th Infantry Division na naka-off duty nang mangyari ang insidente.

Kinondena ni Galon ang pamamaslang sa biktima kung saan ay sugatan din ang dalawang anak ng biktima na isang 5 at 3 anyos na bata, gayundin ang 8 anyos na pamangking lalaki.

Bandang alas-6:30 ng umaga ng harangin ng tatlong rebelde ang biktima habang lulan ng motorsiklo kaangkas ang dalawang anak at isang pamangking lalaki na bumabagtas sa highway ng Brgy. Poblacion Malabog, Paquibato District ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Galon na binuntutan ng mga rebelde na sakay rin ng motorsiklo ang biktima na nagmamaneho ng motorsiklo at biglang pinagbabaril nang malapitan pagsapit sa lugar.

Dalawa sa mga rebelde ang bumaril sa biktima habang nagsilbi namang look-out ang isa pa.

Nabatid na ang biktima ay aktibo sa counter-insurgency operation na isa sa iniimbestigahang motibo ng krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.