SUNDALO AT GF NA IKAKASAL, PATAY SA PANANAMBANG

BAGAMAT NAUNSIYAMI ANG kanilang pangarap na mamuhay sa mundong ito bilang isang mag-asawa, tiyak namang sa langit na lang itutuloy ng isang sundalo at ng kanyang kasintahan ang kanilang pagmamahalang hindi nagkaroon ng katuparan dito dahil sabay silang kinitil ng mga punglo na siya ring tumapos sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina  Master Sgt. Joel  Nacion, 56 anyos at ang kanyang girlfriend na si Mary Jane Reyes, 36 na kapwa piñata ng hindi pa nakikilalang mga salarin noong Biyernes ng gabi sa Ozamis City, Misamis Occidental.

Malaki ang hinala ng otoridad na love triangle ang motibo ng pamamaslang lalo na’t nakatakdang ikasal sa Miyerkules ang dalawa.

Ayon kay Supt. Gerbacio Balmaceda, hepe ng Ozamis City PNP, nanunood ng TV si Nacion sa kanilang  tahanan nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Nang makita ang pangyayari, agad namang tumakbo si Reyes palapit kay Nacion kaya nadamay din ito.

Inamin ng pulisya na kabilang sa kanilang pinaghihinalaan ang dating kasintahan ni Nacion.          EUNICE CALMA

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.