Sumugod na Pablo Victims sa DSWD-Davao, Ginamit ng Pulitiko

POSIBLENG GINAMIT lang umano ng ilang pulitiko ang mga biktima ng bagyong Pablo kaya naganap ang pagsugod sa tanggapan at bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 sa Davao City.

Ito ay ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, dahil na rin sa organisadong pag-atake ng mga tao na may mga kasama pang militante mula sa ibang bahagi ng Mindanao.

Samantala, inihahan-da umano nila ang rek-lamo upang matiyak na mapapanagot ang mga nanabotahe sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon, sinisi rin ng kalihim ang mga grupong nasa likod ng kaguluhan kaya may mga lehitimong biktima umano ng sakuna ang hindi nila nahatiran kahapon ng pagkain.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.