Summer Youth Program, sisimulan sa Navotas

SISIMULAN NG NAVOTAS City government ang pagtanggap ng aplikasyon sa mga kabataang gustong magkaroon ng pagkakaabalahan ngayong bakasyon sa gaganapin nitong Summer Youth Program (SYP) 2011.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, kabilang sa mga nakahanay na programa ng SYP 2011 ay ang sports clinic at arts and workshop na ibibigay ng libreng sa mga kabataang residente ng Navotas City.

Isa sa layunin ng programang ito ay ang paghubog sa healthy lifestyle, pagkakaroon ng magandang samahan, sportsmanship at upang makakita ng mga may potensiyal sa iba’t-ibang larangan.

Kabilang sa mga nakapaloob sa SYP 2011 ay ang karatedo, taekwondo, arnis, boxing, basketball, badminton, swimming lesson, acting, dancing, guitar lesson at basic drawing.

Sisimulan ang programa sa April 4 hanggang May 27, 2011 at maaaring magsumite ng aplikasyon ang mga interesadong kabataan sa pamamagitan ng pagtungo sa city hall o tumawag sa telepono bilang 281-8602 at 281-4174.

“I strongly believe that our city can achieve full potential for growth and development if we continue to develop and enhance the Navotas’ greatest asset – its people; especially the young Navoteños,” pagtatapos ni Tiangco.                   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.