Summer, magiging maulan

BAHAGYA UMANONG maiibsan ang epekto ng summer season sa inaasahang pagpasok sa loob ng Philippine area of responsibility ng bagyong “Domeng” na may international name na Peipah, partikular sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sinabi ni PAGASA forecaster Gener Quitlong na inaasahan nang mararamdaman sa ilang mga lugar ang mga pag-ulan na dulot ng tropical depression, habang patuloy ito sa paglapit sa kalupaan.

Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahan itong tatama sa kalupaan ng Caraga region sa Martes ng gabi at tatawid ng Cebu-Mactan bago lalabas sa Western Visayas area.

Mahigpit nang pinapayuhan ang mga mangingisda sa sila-

ngang bahagi ng Visayas at Mindanao na iwasan muna ang pumalaot dahil sa inaasahang epekto ng nasabing bagyo.

Habang sinusulat ang balitang ito, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa la-yong 1,275 kilometro sa silangan ng General Santos City, kung saan taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph na kumikilos nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.