Summary hearing vs Ampatuans’ assets, itinakda na

KASUNOD NG sinasabing “last minute” na pagpapalabas ng korte ng panibagong 20-day freeze order laban sa mahigit 200 bank accounts at iba pang ari-arian ng pamilya Ampatuan, itinakda na sa susunod na linggo ang summary hearing sa nabanggit na asset preservation order.

Ang nasabing bagong freeze order ay inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 22 Executive Judge Marino Dela Cruz, Jr., kasunod naman ng pagpaso ng naunang freeze order na ipinataw ng Court of Appeals.

Saklaw sa 33-page order ni Judge Dela Cruz ang may 200 bank accounts, 144 real estate properties, 110 high-caliber firearms at 77 top-line motor vehicles ng mga Ampatuan.

Maaalala na sina da-ting Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at mga anak nitong sina dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., ang tinutu-rong pangunahing suspek sa pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 na mga mamamahayag noong November 23, 2009.

Kasabay nito, itinakda rin ng huwes ang pagdinig sa inilabas nitong provisional asset preservation order (PAPO) sa Disyembre 7. Ang PAPO ay may bisa lamang sa loob ng 20 araw.

Una nang napaulat na matapos mapaso ang naunang freeze order ng CA, tinangka umano ng mga abogado ng mga Ampatuan na mag-withdraw ng pera sa isang bangko sa Cotabato City. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.