Sumingaw na problema sa pagsasama Claudine Barretto at Raymart Santiago, tuloy na sa hiwalayan?!

PANIBAGONG ESKANDALO NA naman itong susubaybayan natin, itong gulo nina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Nagsimula ito sa gulo sa bangko, kung saan naunahan si Claudine nang mag-withdraw ng pera sa joint account nila ni Raymart. Wala namang si-lang sinasabi kung sino ang naunang nag-withdraw sa kanila, pero iisa lang naman ang pinagdudahan, si Raymart lang dahil and/or naman kasi ang account nila, kaya puwedeng i-withdraw ‘yun ng aktor sa ibang branch.

Pero mahirap na siyempreng magturo dahil wala namang nakakita kung sino ang nag-withdraw. Kaya lang madali naman ma-check ‘yan eh. Kaya siguro alam na ‘yan nina Claudine ngayon kung sino ang may kagagawan.

Nalaman tuloy ng lahat na may problema silang mag-asawa at baka sa hiwalayan din ang ending nito.

Pero huwag naman sana dahil ilang beses na ba nilang sinasabing okay sila at walang hiwalayang mangyayari kaya panindigan na nila, ‘no. Hindi nga lang natin alam kung ano ang nangyayari sa bahay nila kaya mahirap nang magsalita.

Meron pang naglabasan na sinasaktan daw ni Raymart si Claudine kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

Hindi nagpa-interview si Claudine, pero ang nakakapagtaka lang, paano naman nalaman ng media ang nangyari sa bangko kung walang may nagsabi sa kanila? Hindi kaya galing din ito sa kampo ni Claudine para lumaki ang gulo at gustong pahiyain si Raymart.

Hay, naku! Haka-haka lang lahat ‘yan. Tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

Hindi lang sila nagpapa-interview sa ngayon, pero nandiyan ang abogado ni Claudine para magsalita para sa kanya.

Bakit may abogado na? Magkakademandahan ba o talagang tuluyan nang mauwi sa hiwalayan?

Abangan nyo ‘yan sa Startalk bukas dahil may special report kami tungkol diyan.

SA NOVEMBER 7 na pala magsisimula ang Glamorosa ni Lorna Tolentino pero ngaragan sila ngayon sa taping dahil kailangan nilang i-reshoot ang mga eksenang kasali si Celeste Legaspi.

Nagkasakit pala si Celeste at pinayuhan ito ng doktor ng complete rest muna ng ilang linggo.

Ang sabi ni Celeste, baka November 8 pa raw siyang puwedeng mag-taping na hindi na mahintay ng production staff dahil sa 7 na nga ang simula ng airing nito.

Kaya napilitan silang palitan ito, at si Gloria Diaz nga ang napili dahil bagay naman ang role.

Naghahabol sila ngayon dahil kailangang kunan uli ang mga eksenang nakunan nila na si Gloria na ang kaeksena.

Ang sabi nila, kukunin pa rin naman daw nila si Celeste pero ibang role na ito at hindi na gaanong puyatan ang taping niya dahil sa sakit nito.

Wala lang akong alam kung ano nga ang sakit ni Celeste, pero kailangan daw talaga nito ng complete rest.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleMatapos mabalitang nag-break John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nagkabalikan agad!
Next articleArnell Ignacio, super enjoy sa Japan!

No posts to display