Sumemplang ang Motorsiklo: 3 Holdaper, Dakma

SWAK SA kulungan ang tatlong holdaper habang nakatakas ang isa pa nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo makaraang holdapin ang negosyante kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Eric Javier, 28; Adrian Dondonilla, 30; at Rodolfo Alardan habang nakatakas ang isang hindi pa kilalang kasama, pawang ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-5 ng hapon, papunta sa kanyang kotse ang biktimang si Juanito Mendoza, 83, sa Llano ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong walang plaka.

Dalawa sa mga suspek ang tumutok ng baril bago kinuha ang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P50,000 bago tumakas.

Hindi pa nakalalayo ang mga suspek ay sumemplang sina Javier at Dondonilla na naging dahilan upang maabutan ng mga kaanak ng biktima at madakip kung saan nakuhanan ng baril si Javier at nabawi ang kuwintas ng negosyante.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Alardan habang nakatakas naman ang hindi pa kilalang kasama.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.