Sumbong at Reaksyon

0916151xxxx – Mr. Action Man, nais ko pong ireklamo ang mga nagkalat na video karera rito sa lugar ng Panabo City partikular sa lugar ng San Pedro. Masyado na po ang perhuwisyong ginagawa nito sa aming lugar. Humingi po kami ng tulong sa aming kapulisan pero nananatiling bingi sa aming mga hinaing. Sa katunayan nga po, katabi lamang po ito ng Maritime Police at Coast Guard. Alam po namin na malaki ang napapakinabang ng mga pulis dito sa mga video karera sa aming lugar. Kayo na lamang po ang inaasahan na malalapitan namin para sa katahimikan ng aming lugar.

 

0927711xxxx – Sir Raffy, dito po sa Sulu St., Barangay Culiat ay mayroong isang pulis na nagpapaputok ng baril tuwing ito ay nalalasing. Noong Lunes, ala-una ng madaling-araw ay muling nagpaputok ito dahil sa sobrang lango sa alak. Abusado po talaga sa kapangyarihan ang pulis na ito. Matapang at mayabang lalo na kung kargado ng alak. Ang pulis na ito ay nagngangalang PO2 Abdula “Jun” Ayop. Hindi po kami panatag dahil sa maling gawain ng pulis na ito. Umaasa po kami na masosolusyunan ninyo ang problemang ito. Maraming, maraming salamat po.

 

0927219xxxx – Mga Idol, kakampi po ninyo kami at hindi po namin pinapaniwalaan ang mga akusasyon ng kampo ng mga Santiago at Barretto. Kung matino siyang babae, hindi siya dapat nakikisawsaw sa away ng mga lalaki bagkus ay umawat siya. Para sa amin tama lang ang mga sinabi ninyo sa inyong programang T3. More power sa inyong magkakapatid.

 

0929718xxxx – Mr. Tulfo, mataas po ang respeto ng mga Batangueño sa Tulfo Brothers. Makakaasa po kayo sa aming walang sawang suporta. Kayo po ang mga tagapagtanggol ng mga inaapi kaya nararapat lamang na ipagtanggol ninyo ang inyong kapatid. ANG BUMANGGA GIBA!

 

0928506xxxx – Kuya Raffy, hindi po talaga tama ang ginawa ng mag-asawang Santiago sa inyong Kuya Mon. Dapat ay maparusahan at mabigyan ng leksyon ang mga ganitong klaseng tao. Minsan ko na pong nahingan ng tulong si Mr. Mon Tulfo at alam ko po na mabuti at respetadong tao siya. Dapat lang na makasuhan ang mag-asawang ito para hindi na makasakit pa ng ibang tao. Hindi na sila nahiya sa harapan ng kanilang mga anak ipinakita nila ang kawalan ng modo habang binubugbog nila ang isang taong walang kalaban-laban.

 

0927761xxxx – Idol at Kuya Mon, huwag kayong mag-alala dahil kampi ang lahat ng mga tao sa inyong magkakapatid. Dapat lang na matakot ang mag-asawang ‘yan dahil nakakuha na sila ng katapat. Masahol pa sa iskwater ang ugali ng mag-asawang ‘yan. Tama lang Idol, tawagin mo siyang Mr. Barretto dahil hindi naman sila sikat para makilala.

 

0928738xxxx – Tulfo Brothers, huwag po kayong magpa-areglo sa mag-asawang ‘yan. Napanood ko po ang buong pangyayari at kitang-kita na mali ang ginawang pangu-nguyog sa inyong kapatid. Gawin lang nating mahinahon ang lahat at iwasan na po ang pagbabanta dahil mataas po ang respeto namin sa inyo.

 

Ang inyong mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO 12:30-2:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes at 2-4pm tuwing Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41. Maaari po kayong magtext sa numerong 0917-7-WANTED at 0918-87-TULFO.

Ang T3 ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa oras na 5:15-5:45pm sa TV5. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Sumbong at Reaksyon

  1. Fidel T. Taguian po ang name ko, meron o akong 4 lots dun sa sinasabi nyang Redinal Heights kumpleto po kami ng mga resibo yung kapatid ko naman na si Leonaro meron syang 3 lots, Nelson 3 lots, yung mga pamangkin ko na si Jovith Solis meron 5 lots and Dorothee 4 lots, thank you po, pwede po ako ma contact sa 00971508118096 or text po sa roaming number ko na 09183542554.

    Maraming Salamat po

  2. Dear Mr. Tulfo

    Isa po akong OFW at currently working dito sa Abu Dhabi, gusto ko lang po kasi ilapit sa inyo yung problema namin magkakapatid (lahat OFW) kasi bumili kami ng lupa sa isang Lanie Bautista ng Silang, Cavite, 7 taon na simula ng mabayaran namin ang mga lote pero hanggang ngayon wala pa siya ibinibigay kahit man lang deed of sale or titulo, kada uwi po namin pinapasyalan namin sya sa bahay nya sa Silang, Cavite pero palagi nya po kami pinagtataguan, mahigit 21 lote po ang nabili namin magkakapatid at pati pamangkin ko sa kanya lahat po fully paid na pero wala po sya ibinibigay na titulo, maari nyo po ba kami tulungan, wala po kasi kami tiwala sa mga pulitko lalo na dyan sa Caivte. mangyari pang Barangay Treasure daw po itong si Lanie Bautista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.