Sumasailalim daw sa chemotherapy: hunk actor, may cancer?!

GAANO NGA kaya katotoo na may cancer ang isang guwapo at kilalang hunk actor?

Isang kasing merong kapatid na may canacer ang nagkuwento sa amin… nakakasabay raw ng kapatid niya sa pagki-chemotherapy ang hunk actor na ito. Hindi pa nga lang daw nila alam kung ano talaga ang sakit nito.

Pero the mere fact daw na sumasailalim ngayon sa chemotherapy nga ang hunk actor, ibig sabihin ay meron siyang cancer.

Marami na rin ang nakakapansin na unti-unti nang nahuhulog anga dating magandang bulto ng pangangatawan ng hunk actor. At ang kanyang buhok, parang numinipis na rin. Sa hitsura nito, para nga umanong may iniindang karamdaman na gustong ilihim na lang.

Clue? Miyembro siya ng isang sikat ding grupo ng hunk actors na ngayon ay nagkawatak-watak na.

(By Ruben Marasigan)

Previous articleTongpats sa MPD at sa NCRPO
Next articleDirek Joyce Bernal, natensiyon sa kanyang unang horror film

No posts to display