Sumadsad na eroplano sa Kalibo, paiimbestigahan – Sec. Roxas

BALIK SA normal ang operasyon ng Kalibo International Airport (KIA) sa Kalibo, Aklan matapos na mahatak na kamakailan ang eroplano ng Airphil Express na sumadsad sa runway ng paliparan.

Dahil sa nakanselang flights ng ilang airline company, nagalit ang ilang mga pasaherong na-stranded dahil sa hindi nasagot ang kanilang accomodations.

Tiniyak naman ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Mar Roxas ang agarang pagsisiyasat sa pagsadsad ng flight RP C3227 ng Airphil Express.

Pagbabasehan umano ang blackbox ng eroplano na nakatakdang dalhin sa Metro Manila.

Aalamin din nila kung sino ang may kasalanan sa insidente, kung ito ba ay ang airline company o mismong taga-Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP-Aklan), dagdag pa ni Roxas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.