Sumabog na Unit sa Two Serendra, Maraming Problema

KATATAPOS PA lamang i-renovate ang Two Serendra unit 501 na sumabog noong Biyernes ng gabi, Mayo 31. Ito ang sinabi ni Atty. Raymond Fortun, abogado ng may-ari ng unit na si Marian Cayton Castillo na kasalukuyang nasa Amerika.

Inihayag ni Fortun na may mga ipiprisinta silang dokumento na magpapatunay sa maraming reklamo ni Castillo sa unit at sa isinagawang renovation noong Abril hanggang Mayo.

Muling babalik sa bansa si Castillo upang makipagtulungan sa gagawing pagsisiyasat sa pagsabog na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng limang iba pa.

Nabanggit din ni Fortun na hindi naniniwala ang Pamilya Castillo na may kasalanan sa pagsabog ang kaibigan ng kanilang pamilya na si Angelito San Juan.

Si San Juan ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang unit nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman sa opisina ng Two Serendra na nagreklamo pa si San Juan noong Biyernes matapos makaramdam ng suffocation at hindi gumagana ang aircon dahil walang kuryente sa unit.

Samantala, si San Juan ay nananatili pa rin sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center Global City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.