Sulu Sultanate, Lalambot Din – Palasyo

UMAASA NA lamang daw ang pamahalaan ng Pilipinas na kusang lalambot sa posisyon at uuwi na ng bansa ang mga kasapi ng Sultanate of Sulu na umaangkin sa Sabah, Malaysia.

Maaalala na hanggang kahapon ng umaga, nagmamatigas ang grupo nina Sultan Jamalul Kiram at pinapanatili ang kanilang puwersa sa Sabah na aniya’y kani-

lang pag-aari at tahanan.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ha-ngad nilang maresolba nang payapa ang ‘stand-off’ at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Inamin din ni Valte na wala siyang alam sa mga detalye ng insidente, sa plano ng DFA at maging sa status ng claim ng Philippine government sa Sabah, Malaysia.

Umaasa na lamang din ang opisyal na hindi makaapekto ang problema sa peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Samantala, gagawin daw lahat ng pamahalaan para matuloy at matupad na rin ang inaasam na pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.