Sultan Jamalul Kiram, pumanaw na

TINIYAK NG mga tauhan ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na ipagpapatuloy pa rin nila ang mga hakbang para mabawi ang Sabah mula sa bansang Malaysia.

Una rito, inihayag ni Princess Jacel-Kiram-Hasan na pumanaw na ang kanyang ama kahapon ng madaling- araw, dahil sa “organ failure” habang naka-confine sa Philippine Heart Center, sa edad na 75.

Matatandaan na si Kiram ay tumakbo sa pagka-senador noong 2007 sa ilalim ng administration ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Muling nalagay sa headline ang Sultan matapos lusubin ng mga tauhan nito ang Sabah, kung saan naganap ang standoff sa pagitan ng mga ito at ng Malaysian forces.

Ayon kay sultanate spokersperson Abraham Idjirani, bago umano pumanaw ang nasabing Sultan ay mahigpit na bilin nito na kailangang ipagpatuloy ang kanilang adhikain sa Sabah.

“Isulong at ituloy ang mission, dapat maibalik ang Sabah sa Pilipinas for the sake of the Filipino people,” ani Idjirani.

Samantala, nasabi rin na nais umano ni Sultan Kiram na mailibing sa kanyang bayan sa lalawigan ng Sulu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.