Sulpicio ang Bumangga sa 2GO – MARINA Probe

NALALAPIT NA umanong matapos ang preliminary investigation ng Board of Marine Inquiry (BMI) sa salpukan ng dalawang barko sa Cebu.

Ayon kay Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Maximo Mejia, tapos nang ipatawag ang mga tripulante at mga opisyal ng M/V St. Thomas Aquinas (2GO) passenger ship at Sulpicio Express Siyete cargo vessel.

Sinabi ni Mejia na na-establish na sa kanilang imbestigasyon na binangga ng Sulpicio Express Siyete ang M/V St. Thomas Aquinas pero hindi pa malinaw kung aling barko ang may sala.

Naka-zero-in daw ang kanilang pagsisiyasat sa ‘miscommunication’ kaya nagkaroon ng agawan ng linya at salpukan.

Una nang lumabas sa inquiry na hindi magkakontakan ang dalawang barko dahil sa naibang channel o radio frequency.

Pero dapat pa daw makuha ang neutral testimonies mula sa hindi kasapi ng 2GO o Sulpicio Lines para sa mas malinaw na resulta.

Samantala bilang solusyon, isinusulong ng MARINA ang pagkakaroon ng Vessel Traffic Management Service (VTMS) sa lahat ng mga daungan para maiwasan ang ganitong insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.