SULAT UKOL SA MAG-AMANG ECHIVERRI

NABASA KO PO ang column n’yo kahapon sa Pinoy Parazzi.

Ang masasabi ko lang ay siguradong may basehan ang mga reklamo ni Kapt. Jerrboy laban kay Ricojudge Echiverri dahil kung hindi po ninyo alam, gawain din po ‘yan ng kanyang ama na si RECOM Echiverri.

Bakit po ba may mga overtermers na mga barangay captain ang patuloy na tumatakbo ‘pag eleksiyon dito sa Caloocan?

Dahil sa pagiging ganid sa posisyon ng kanyang ama.

Kinukuntsaba nila ang Comelec at DILG dito sa Caloocan para manatili sila sa posisyon. Like Father, like son ‘ika nga… gagawin nilang lahat para lang makontrol nila ang mga tao na suportahan sila.

Dapat din sigurong imbestigahan at sampahan ng kaso ‘yang Jay Timbreza na ‘yan dahil pinapayagan niya o kung hindi man ay nakikipagsabwatan siya sa mga kagustuhan ng Echiverri na ‘yan.

Ganon din ‘yang Valencia na ‘yan, e balita nga namin dito tumatanggap ng pera ang tanggapan n’yan mula sa mga tumakbong overtermers na barangay captain nu’ng nakaraang eleksiyon eh, kaya kahit na may order ang main DILG na ‘wag tanggapin ang CoC ng mga kapitan na ‘yan eh, walang nangyari, nakapag-file at nakatakbo pa rin ang mga galamay ng mag-amang Echiverri na ‘yan.

Haayy naku, kunwari pa ‘yang RECOM na ‘yan na hindi niya gagayahin si Malonzo, eh bakit may TOWING na ulit dito sa Caloocan gaya nu’ng panahon ni Malonzo?

Para sa amin dito, naniniwala kami sa ipinaglalaban ni Jerrboy Mauricio dahil kahit wala kaming koneksiyon sa kanya at nasa ibang barangay kami, ramdam namin ang pagmamanipula ng mga Echiverri na ‘yan sa Caloocan.

Hindi na nga namin alam kung kanino lalapit dahil namumroblema din kami sa barangay captain namin dito na 5th termer na ay corrupt at abusadong bonggang-bongga!!!!

Mabulunan sana ang mga sinungaling na ‘yan!!! Sana po ay matulungan din ninyo kami sa suliranin namin ukol sa 5th termer na kapitan namin na tuta ni RECOM…

Salamat at mabuhay po kayo!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target ni June Briones

jabriones10@yahoo.com 09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.