Sukang-suka raw sa tsismis na mag-syota sila
Mario Maurer, tinawag na unggoy si Kakai Bautista?!

SI MATTEO Guidicelli ba ang pinatatamaan ni Jessy Mendiola sa kanyang latest tweet?

“The truth always comes out. No matter how hard you hide it, it finds a way to be uncovered. One way or another. Goodnight. ” Jessy tweeted.

May chismis na kumakalat na sa phone lang daw nakipag-break si Matte okay Jessy. How true?

Should this be true, aba, masakit nga naman para kay Jessy ‘yon.

At ang dagdag pang chika, si Sarah Geronimo raw ang dahilan kung bakit biglang nawala ang love ni Matteo sa dalaga.

Talagang me gano’ng anggulo?

Anyway, palaban pala itong si Matteo. May balls kasi siyang patulan ang isang basher niya sa Twitter.

Kung anu-ano ang pinagsasabi ng basher ni Matteo at tinawag pa niyang bakla ang Kapamilya hunk.

Hello? Hindi bading si Matteo, ‘no! Magtigil nga itong ilusyonadang basher niya.

Ang nakakatawa, kumasa si Matteo at inimbitahang magkita sila ng basher niya. Ayun, hindi nakasagot ang mokong. Natakot siguro. Baka siya ang bading.

Actually, hati ang opinion ng tao sa pagpatol ni Matteo sa basher niya. Marami ang nagsasabing hindi niya dapat ito pinatulan. Meron din namang pumupuri sa kanya dahil sa kanyang katapangang harapin ang basher niya.

Ang iniisip kasi ng marami, kapag artista ka ay hindi ka dapat pumatol sa mga bashers mo. Pero paano naman kung below the belt na ang tira sa ‘yo.

Ang tingin namin diyan, kung hindi na talaga mapipigil ay piliin na lang ang mga salitang bibitiwan.

Actually, gentleman pa nga si Matteo at halata mong may pinag-aralan. Hindi kasi siya nagbitiw ng masasakit na salita sa kanyang basher pero alam mong he means business. Hinamon lang niya itong makipagkita sa kanya.

Tanggap na tanggap ni Mommy Pinty si Paul Soriano para sa kanyang anak na si Toni Gonzaga.

“Pinatunayan naman sa loob ng anim na taon. Nagpatunay din (siya). Nagtiyaga, naglaga, pinaghirapan niya naman,” sabi ni Toni sa presscon ng Four Sisters And A Wedding.

 

SA TINGIN kaya niya ay makakaya ng sister niyang si Alex Gonzaga ang naranasang niyang sobrang paghihigpit ng kanilang mga magulang?

“Tingin ko makakaya ni Alex kasi nandito naman ako, tutulungan ko siya. Saka nakikita naman niya ang bunga sa akin, hindi naman ako napapariwara. Hindi naman tayo pinaghihigpitan ng mommy’t daddy dahil para lang sa wala. Nakikita mo naman na inaalagaan tayo. Masakit man ‘yan ngayon, kung hindi mo man maintindihan, in the future ay makikita mo na para sa ikagaganda ng buhay mo,” sagot ni Toni.

Inamin din ng TV host na mas pakialamera siya ngayon na magkasama na sila ni Alex sa ABS-CBN.

“Dati kasi hindi ko siya napapakialaman, hindi ko siya natututukan at kung anu-ano ‘yung nagagawa, napagsasabi niya. Pero ngayon, talagang ako na ‘yung tumatayong magulang niya na ginagabayan siya pati sa pagsagot sa interview,” pag-amin ni Toni.

We asked her kung siya ba ang nagsulsol kay Alex na bumalik na sa Dos.

“Hindi naman ako, mga situations, mga pagkakataon, mga circumstances na nangyari kaya nag-lead dito.”

 

TOTOO KAYANG tinawag na unggoy ni Mario Maurer si Kakai Bautista?

True kayang sukang-suka ito when he learned na merong chismis na kumalat na magsyota sila ni Kakai?

At totoo rin ba na ayaw na niyang magtrabaho sa Pilipinas dahil unprofessional daw ang mga tao rito?

Naku, aware kaya si Kakai na me ganitong balita sa love of her life? If she is, ano naman kaya ang reaction niya rito?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

16 thoughts on “Sukang-suka raw sa tsismis na mag-syota sila
Mario Maurer, tinawag na unggoy si Kakai Bautista?!

  1. Tama po si Alex valentina, hindi Bakla si Matteo, nagpapahada lang sa mga bakla. darating ang panahon magiging Bakla na rin siya, tulad ni Sam Milby, 

  2. Alex Brosas nget-pa, ikaw iyong sinasabihan n i Mario na mukhang unggoy. ang hindi alam ni Mario, ugali ka ring unggoy….

  3. in fairness k mama mauro  i dont think he would say dat bout cavai kc i think he is a very kind person aside from having good looks….friend lng tlaga ang tingin nya k cacai at prang nagagamit lngza ni cacai na i think e mdyo ng-iilusyon din namy gusto sa knya c mama mauro…

    • HAHAHAHA. MAMA BA TLG? PERO AGREE AKO SA YO TEH. ITONG SI CACAI LANG ANG ECHOSERANG FROG. PERO LIKE KO RIN SI CACAI HA, PAG NAGPAPATAWA NA.

  4. NABUHAY NA NAMAN BA ANG NON-ISSUE NA ITECH? HAHAHAHA. KALOWKAH NAMAN KASI SI KAKAI EH. POST NANG POST NOON NG MGA PICS NILA NI MARIO MAURER, TINATAKAM YUNG MGA FOLLOWERS NYA. SIMPLENG SAGOT NA YES OR NO LANG NAMAN ANG GUSTO NILA. ABA, PALAGING PAHIWATIG ANG LOLA. INSTEAD, PANAY POST NG MGA PICS NILA SA MALL AT RESTAURANT. AYUN, UMAMIN LANG ANG HITAD NA FRIENDS LANG SILA NUNG I-DENY AT OKRAYIN NA NUNG PINSAN YATA NI MARIO. SHE PUT KAKAI IN HER PLACE, HAHAHAHA. KALOWKAH! AYUN, NATAPOS DIN ANG 15 MINUTES OF FAME NG LOLA.

    • So true. Ang dali pa lang maging writer. Mag-iimbento ka lang ng kwento, kikita ka na. Hahaha! Makapag-apply nga dito sa Pinoy Parazzi at gagawa ako ng mga make believe na storya. LOL!

      • kasi kung hindi siya mag-iimbento at manira ng artista, wala siyang kita wala din siyang kakainin

    • hindi siya imbertor..impostorang writer kuno! wala na kasing mahanap ang pinoypaparrazi kaya pati manicurista sa parlor pinagsulat na dito in the person of Alex valentina Brochas!

  5. this ALEX BROSAS is a grabage. Siya yata ang basher ng lahat ng artista. He abuses his privilege as a writer to express his dumb mind.

  6. Alex Brosas, san mo naman kinuha yang chika mo kay Mario Maurer? Sinong source mo. Halatang gumagawa ka lang ng komosyon. HAHAHA! Siguro di ka pinapapasok sa kahit anong network kaya sa internet ka na lang parati kumukuha ng maiisusulat mo teh. Mahiya ka naman sa Fashion Pulis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.