Sipat-eklat #209: Suicide attempt ni Hayden Kho, may bagong ‘twist’ sa script?!

SIPAT: NAGKAPASA sa MUKHA si ZSA ZSA PADILLA nang SAMPALIN ni SHARON CUNETA sa isang EKSENA nila sa MANO PO 6. Pero AYOS lang daw sa DIVINE DIVA.
EKLAT: Si CHIN CHIN GUTIERREZ, GUSTO niyang MAKAEKSENA?

SIPAT: DISMAYADO ang FANS na GUSTONG magpa-PICTURE kay CASS PONTI. MAGPAALAM daw muna SILA sa ABS-CBN.
EKLAT: LAKAS ng TAMA, ‘no? FEELING SIKAT pa, e! Ay, SUMIKAT ba siya?

SIPAT: SUSUBUKAN naman daw ni SUNSHINE DIZON na PASUKIN ang PAGKANTA.
EKLAT: Ayos ‘yan. Basta IKANTA niya muna kung BAKIT AYAW niya nang maging KAPUSO TALAGA!

SIPAT: Uy, si JUDY ANN SANTOS ang REIGNING TELESERYE QUEEN, sey ng KAPAMILYA.
EKLAT: ‘ASAN na po ang TELESERYE?

SIPAT: KINABOG ng GMA-7 XMAS PARTY for the SHOWBIZ PRESS ang PARTY ng ABS-CBN?
EKLAT: Naks, pati sa XMAS PARTY may NETWORK WAR!

SIPAT: May BAGONG ‘TWIST’ sa SUICIDE ATTEMPT daw ni HAYDEN KHO. Kaya raw NAPADPAD sa PINYAHAN ang ating BIDA, e, dahil may nira-RUSH na TERM PAPERS?
EKLAT: GALING ng mga SCRIPTWRITER, ah! Nagiging KAPANA-PANABIK, e!

SIPAT: Dahil KAPASKUHAN naman daw, e, PATAWARIN na sana at KALIMUTAN na ang KASALANAN ni HAYDEN.
EKLAT: No problem. BURAHIN niya muna LAHAT ng KOPYA ng SEX VIDEO niya!

SIPAT: Sa IMMIGRATION OFFICE ng NARITA AIRPORT sa JAPAN daw HINDI NAKALUSOT si JOHN LLOYD CRUZ.
EKLAT: ‘NAIRITA’ yata ang mga OPISYALES sa IBINIGAY na IMPORMASYON ni LLOYDIE!

SIPAT: HINDI lang pala SECURITY ang KINUHA ni KRISTA RANILLO, may mga SHOWBIZ WRITERS na rin na MAGTATANGGOL sa kanya.
EKLAT: Of course, may BAYAD ‘yon!

SIPAT: KINAKABOG na ng RATING ng SHOWTIME ang WOWOWEE. Kaya LAGING MAINIT ang ULO ni WILLIE REVILLAME?
EKLAT: Ang KAPAMILYA talaga… GUMAWA ng SHOW na MAGLILIGWAK kay PAPI!

SIPAT: Pero HINDI naman yata MASYADONG APEKTADO si WILLIE. Ang TV5 daw kasi, e, NAKAABANG na kung LALAYAS si PAPI sa WOWOWEE.
EKLAT: SIGE NA, Willie, GO ka na sa SINGKO nang mag-RATE naman sila, ‘no!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Sipat-eklat #209: Suicide attempt ni Hayden Kho, may bagong ‘twist’ sa script?!

  1. ikinokondisyon na naman nila si shawi na maging best actress s manila filmfest na walang kuwenta ginagamit pang cheap publicity ang mana daw o. kung talagang hindi sila interesado sa mana dapat di na sya umimik o binungkal ang matagal na sa baul. kahiya hiya kumita lang at magkaruon ng best actress uli ay ilalabas ang mga baho. MOVE ON

    Kay Alfie naman, big yaks ginagamit pa ang mga Poong Nazareno at mga Nino at Diyos sa paninira kay Piolo dahil hindi nya masusu ang turat ni Piolo. napa ka morbid ng matandang yan isa syang kahihiyan ng mga bading. walang pinagkatandaan.

  2. Alam nyo maliit lang sahod ng mga writers. Walang loyalty, ang loyalty ay sa pera. Dahil ang pera ang bumubuhay sa tao. Kaya understand na lang natin if maganda sinusulat nila sa GMA-7 kasi nga malaki magbigay duon kaysa sa ABS-CBN maliit lang. Kahit gustuhin mo man maging Kapamilya eh maliit inaabot sayo payag ka ba nun. Kaya mas madaming writers ang GMA-7 kaya expect mo madami din ang mga nagsusulat na maganda sa kanila at agianst sa DOS. It’s business.

  3. syempre ang wowowee at showtime ang pagtatapatin nila kasi yung 2 show lang naman ang maganda, hindi na makaungos ang kalaban ng wowowe at showtime…….

  4. nagpapanic na nga c willie..last friday mejo galit sya sa management kc pinpagalitan nnman sya sa katigasan ng ulo nya..at ngayon sa dec 24 live daw sila pra sa ondoy..pati staff nya sabi ndi daw un time pra magsaya..kawawa nman ang staff may mga pamilya din nman mga un..at sa January may mraming pagbabago sa wowowee..kc nga talo na sa showtime..tsk tsk..sabi ni willie huwag daw silang pagawayin ng showtime kc preho silang kapamilya eh sya nauna napikon..ung minsan sa opening nila may parining syang “MAY CONFETI na rin pla sila”..di ba nagkoconfeti na ang showtime..tapos ung director nilang jonny manahan..may patama na rin sya..may hawag syang papel na may nakasulat na NYEKNEYK NYO..mismo kapamilya nila inaaway nila dahil nanganganig na ratings nila sa kapwa kapamilya nila..yan c Willie..

  5. bakit nga ba hindi kasali si alfie sa pinoyparazzi?
    dapat sa matandang iyon d2 din ngsusulat – para
    naman mabatikos ng maraming pilipino ang
    pinaggagawa ng matandang baklang iyan!

    wala ng ginawa kundi sirain ang mga kapamilya
    talents!
    tang ina mo alfie!!!! malapit ka na sa hukay hindi
    ka pa magsisi sa mga pinaggawa mo!

  6. SIPAT: KINABOG ng GMA-7 XMAS PARTY for the SHOWBIZ PRESS ang PARTY ng ABS-CBN?
    EKLAT: Naks, pati sa XMAS PARTY may NETWORK WAR!
    ______________________________________________________

    syempre naman, ang dami yatang BAYARANG writers nang gma, di ba sa abante-tonite, lalong lalo na dito! bwahahaha!

      • Bakit ang mga writers, parang vultures. Kung saan malaki ang pa-ambon, doon sila. Si Alfie naman, wala nang isinulat kung hindi sino at ano ang ibinigay sa kanyang regalo. Parang baboy na naghahanap nang makakain sa sabsaban.

  7. SIPAT: KINAKABOG na ng RATING ng SHOWTIME ang WOWOWEE. Kaya LAGING MAINIT ang ULO ni WILLIE REVILLAME?
    EKLAT: Ang KAPAMILYA talaga… GUMAWA ng SHOW na MAGLILIGWAK kay PAPI!
    ______________________________________________________

    pilit nyo lang ginagawan nang issue, ang dapat itapat sa SHOWTIME ay ang katapat na competition na LUGMOK na sa rating huwag ang WOWOWEE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.