Sugod Shooting: Wow Mali!

Ang Wow Mali! Ang isa sa mga pinaka-unang gag show na sumikat sa telebisyon noong 1990’s. Ito ay pinangungunahan ni Joey de Leon. Ang konsepto ng palabas ay naiiba noon dahil sadya silang gumagawa ng mga prank jokes sa mga ordinaryong pinoy sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Napanood natin kung paano mabigla, mainis, matuwa, magwala, magmura at magpakakwela ang mga kababayan natin na naloko ng maling akala.

Muling bumalik sa telebisyon ang Wow Mali sa TV5 at si Joey de Leon pa rin ang host nito. Kasama rin niya ang napakaseksing si Alyssa Alano ay iba pang homegrown talents ng istasyon. Natiktikan ng ating kaparazzi na may live taping ang Wow Mali noong linggo. Aba, at hindi ito nagkamali! Wow, Tama nga! Narito ang ilan sa mga larawang kuha sa tindahan ni Pareng Joey. Ayos!

By Mica Rodriguez
Photos By Luz Candaba

Click to enlarge..

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.