SUGOD SHOOTING: Totoy Bato

Nalalapit na ang pagtatapos ng Totoy Bato, ang palabas sa GMA Telebabad na pinagbibidahan ng Badboy ng Pinoy Movies na si Robin Padilla at ng nag-iisang Songbird ng Asya na si Regine Velasquez. Kasali rin sa powerhouse cast sina Eddie Garcia, Ehra Madrigal, LJ Reyes, Caridad Sanchez, Jolo Revilla,  Ian Veneracion at ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Inabangan at pinanabikan ang bawat eksena. Sinundan natin ang buhay ni Totoy sa larangan ng pakikipaglaban at sa pakikipag-ibigan. Lakas-loob din naman sumugod na parang katipunero ang ating kaparazzi ang isa sa taping days ng nasabing programa, at ano ba itong eksenang nadatnan namin?! Ikinakasal si Totoy kay Trixie?! Di ba dapat si Anna ang pakasalan niya?! Baket ganun, bakeeet? Kailangan na talaga natin panoorin ang mga huling araw ng Totoy Bato para hindi tayo mahuli sa mga eksena!

By Mica Rodriguez

Photos By Parazzi Wires

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.