Sugod Shooting: Osang, Nagpasan ng Krus!

Sugod Shooting

by Faith Salazar

Nagsimula nang mag-taping sina Rosanna Roces, Joross Gamboa at Empress Schuck ng Pasang Krus, isang Holy week presentation sa direksyon ni Neil Buboy Tan. Ito ay tungkol sa paghihirap ng isang ina dahil sa kanyang mga anak. Ang k’wento ay nag-umpisa sa Isabela, nang barilin ang asawa ni Herminia (Rosanna Roces) ng isang taong gustong kumamkam ng kanilang lupa. Napilitang tumakas si Herminia habang nagdadalang-tao kasama ang kanyang apat na anak. Sa pagtakas ng pamilya n’ya, nahiwalay s’ya sa dalawa n’yang anak – si Joross, ang gumanap bilang panganay na lalaki, at si Empress bilang only girl sa magkakapatid. Dahil sa kahirapan, napariwara ang tatlong anak ni Osang.

Naging lasenggero sa pelikulang ito si Ketchup Eusebio at ang only girl naman sa magkakapatid na si Empress Schuck ay nabuntis ng maaga. Dalawang baguhang aktor ang ipakikilala dito – si Christian Burke, na makukulong dahil sa pagiging pickpocket at si BJ Morales naman ay magiging drug pusher. Lumipas ang maraming taon bago n’ya muling matagpuan ang panganay n’yang anak na si Joross, na magbibigay-daan upang mabawi nila ang kanilang lupa.

Naging sikat si Osang sa pagiging sexy n’ya at ngayon p’wedeng p’wede na ulit s’yang magpasexy dahil nabawi na n’ya ang kanyang figure. Imbes na bumalik sa mainstream films, ginugugol n’ya ngayon ang kanyang panahon sa paggawa ng mga indie films. Nakakabilib si Osang dito dahil totoong nagpapako s’ya sa krus for the sake of art! Tinakbo pa raw s’ya sa ospital kaya alalang-alala si Direk Buboy.

Ang Pasang Krus ay pangatlo na sa mga indie films na ginawa ni Osang, matapos ang kontrobers’yal na Aurora at ang soon-to-be released na pelikulang Karera. Kaabang-abang talaga ang pelikulang ito, hindi lang ginawa para kumita!

Photos by Ricky Alejo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.